Para sa sumulat ng tula

Para sa sumulat ng tula

 

Ang tulang ito ay para sa mga bigo ang puso,

Para sa mga natatawa sa pick up lines na uso,

Para sa mga nagmistulang tanga sa kakalike ng quotes,

Para sa mga ngumangata ng quacker oats.

 

Para ito sa mga nagpapaasa at forever na umaasa,

Para sa mga kaibigang sa pagibig ay dalubhasa,

Para ito sa mga puppy love, TL at mga hipon,

Para ito sa mga gumagastos at sa mga nagiipon.

 

Para sa mga sanay magpaalam at sa mga first time,

Para ito sa mga “I love you” bukas, always at all the time,

Para to sa mga kunwaring humihikab at sinisipon,

Para ito sa mga lantarang umiiyak at forever alone.

 

Para ito sa mga may love life at syota,

Syokoy man o mermaid, maski bakla.

Para ito sa mga babes at pies,

Para sa mga nanggago at nagsabi ng “lies”

 

Para ito sa mga sugod ng sugod,

Pati na rin sa mga shy type at kunwaring pakipot,

Para sa mga emo at malungkot,

Para sa mga amoy gwapo at gwapong mabantot

 

Para ito sa mga mahal ninyong himig,

Pati na rin sa mga innosenteng walang hilig.

Para ito sa trying hard na sumulat ng tula,

Para sakin din pala ito dahil ako ang nagsimula.

 

 

** repost from my other blog Rant and Random

 

*** inspired by “Para sa Masa” by Eraserheads ***

Ang Kaibigan Kong Torpe

Ang kaibigan kong torpe

 

Ang kaibigan kong torpe

Hindi marunong magsabi

Ano ba talaga ang nararamdaman

Sa kaibigang gusto niyang ligawan

 

Baliw baliwan pag kasama ko

Parang tanga, kinikilig ng todo

Nagkakadarapang sundan siya

Pagod na ako sa kakasama

 

Sige na, tol, sabihin mo na

Go lang , para magkajowa ka na

O baka naman ako ang gusto mo

Wag naman, dude, di tayo talo.

 

Joke lang, pare, alam ko naman na siya

Siya ang tinitibok ng puso at sinisinta

Walang mangyayari sayo kung tutunga

Tayo na chong, puntahan mo na.

 

Teka,pare, magsalamin ka muna

Ang baho mo, pabango ka nga

Ayusin mo buhok mo ang sagwa

Ayan mukha ka nang desente, smile ka na.

 

Wag mong kakalimutan magpakatotoo

Panindigan mo ang mga sasabihin mo

Mabasted ka man, tol, nandito ako

Ibang babae nalang, hanap tayo.

 

 

Ang Pana (The Arrow)

Ang Pana (The Arrow)

Nuong unang panahon
Ang iyong tanging silbi
Magpalago ng sibilisasyon
Pumatay ng lahi.

Ngayong taon
Hindi ako nagkamali
Pumupuksa ka parin
Nang walang pasintabi

Bakit ikaw ang ginamit
Ni kupidong maliit
Isang kasa, isang pihit
Buhay ay nagbagong pilit

Puso ay humandusay
Naglakad ng walang gabay
Tumingala sa langit
Dahil sa nangyaring mapait

Mabilis na pagtarak
Sa pusong warak
Ng panang Ligaw
Ang ngalan ay “ikaw”.